MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panibagong postponement ng Sangguniang Kabataang (SK) elections hanggang sa 2016.
Ang nasabing committee report ay para umano sa consolidated version ng House Bills 5006 na naglalayong bigyang daan muna ang malawak na reporma sa sistema ng SK.
Ang SK elections ay nakatakda sana sa Pebrero 2015 subalit sa panukala sa Kamara ipinagpaliban muna ito at ipinasasabay na lamang sa barangay elections sa 2016.
Ayon naman kay Capiz Rep. Fredinil Castro, chairman ng komite, isusumite na nila ang committtee report sa rules committee para matalakay na ito sa plenaryo.
Hindi naman nito sakop ang mga repormang kailangan sa SK dahil ang Local Government Committee ang bahala dito.
Iginiit ni Castro na dapat maging metikuloso ang kongreso sa paglalapat ng reporma sa SK para hindi na naman ito mauwi sa pagiging half baked o half cooked.