PNoy: Muling pagtakbo 'di solusyon sa problema ng Pinas

MANILA, Philippines – Hindi ang paghahangad ng mas mahabang termino ang nakikitang solusyon ni Pangulong Benigno Aquino III para sa problema ng bansa.

Sinabi ni Aquino ngayong Martes na ang kailangan ay makapagluklok ng pinuno na magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan.

"There are some quarters that were saying [that] I should try and go for a second term. I don't think that's a right solution," wika ng Pangulo.

"We all have a time card in this world... There has to be that continuation of people of like-mind who would deliver on the promises that are real and not just self-serving or nice and pleasant to hear," dagdag niya.

Sa ngayon ay wala pa ring pangalang binibitiwan si Aquino kung sino ang kanyang napipisil na magpatuloy ng kanyang mga ginawa.

"If I can ask you also to discern properly as to whom is extolling populist sentiment with no substance as oppose to that which who not only says the right thing but whom you can trust to deliver the same.”

Marami ang nananawagan para sa kanyang muling pagktakbo at kaakibat nito ay ang pag-amyenda sa Saligang Batas, ngunit tila walang balak sumunod si Aquino.

Show comments