Korte hindi susunod sa 4-day workweek
MANILA, Philippines – Hindi susundin ng Korte Suprema ang nais ipairal ng pamahalaan na four-day work scheme sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ito ay batay sa ipinalabas na notice of resolution ng Supreme Court na may petsang “October 14, 2014.
Batay sa notice of resolution na may petsang October 14, 2014 na nilagdaan ni Clerk of Court Enriquetta Vidal, nagdesisyon ang Kataas taasang Hukuman huwag magpatupad ng 4-day work week scheme sa hudikatura.
Alinsunod na rin ito sa naging rekomendasyon ng Office of Administrative Services sa Supreme Court En Banc.
Una nang nagpalabas ang Civil Service Commission ng resolusyon na may petsang September 8, 2014, kaugnay ng pagpapairal ng 4-day workweek scheme sa ilang ahensya ng pamahalaan sa Metro Manila.
Layunin ng nasabing sistema na maibsan ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Pero ayon sa CSC, ang pagpapairal ng nasabing sistema ay magiging voluntary basis kung saan ang mga ahensya ng pamahalaan sa Metro Manila ay papayagan na mag-operate mula Martes hanggang Biyernes o mula Lunes hanggang Huwebes, alas 5:00 ng umaga hanggang ala 7:00 ng gabi.
- Latest