PNP inalerto sa Undas

MANILA, Philippines - Inalerto na ng Malacañang ang PNP bilang paghahanda sa Undas.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., nagpatupad na ang PNP ng Oplan Undas 2014 at inilagay sa full alert kasabay ng pagkakalat ng mga marshals sa mga pantalan, bus terminal at paliparan upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan na mag-uuwian sa kanilang mga probinsiya.

Ayon naman kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, babantayan din ng mga pulis ang mga simbahan, sementeryo, at tourist spots para sa mga taong mananamantala sa mahabang holidays.

Sa Metro Manila, ang pinakamalaking semen­teryo tulad ng Manila North at South cemeteries ang dinadagsa ng maraming mga bumibisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon pa kay Purisima, hindi naman pababayaan ng PNP ang kanilang intelligence, counter-intelligence at police operations upang mapigilan ang banta na mga terorista at aktibidad ng mga kriminal sa natu­rang mga okasyon.

 

Show comments