SC: ‘Friends’ setting sa FB, hindi private

MANILA, Philippines - Hindi maituturing na private ang Facebook post kahit pa naka-’friends’ ang setting nito o ang makakakita lamang ay ang kanyang ‘friends’.

Ito ang paglilinaw ng SC kasunod ng kaso ng limang estudyante sa Cebu na hindi pinayagang maka-graduate dahil sa malaswang litrato na kumalat sa Facebook.

Sa desisyon ng SC na pirmado ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr., sinabi nitong kahit pa i-post ang isang litrato sa ‘friends’ setting o limitado lamang sa accounts ng inaprubahang ‘friends’, maaari pa rin itong mai-share at gamitin para mag-tag ng ibang FB users na hindi pasok sa network ng friends o estranghero na sa orihinal na nag-post.

Ibinasura sa desisyon ang writ of habeas data na inihain ng mga magulang ng mga batang sangkot sa gulo sa St. Theresa’s College sa Cebu noong 2012.

Nag-ugat ang reklamo sa hindi umano paggalang ng eskwelahan at ng computer teacher na si My­lene Rheza Escudero sa ‘rights to privacy’ ng mga mag-aaral nang i-access ng mga ito ang FB accounts at i-download ang mga larawan kung saan makikitang naka-bikini at naninigarilyo ang mga bata. 

Ayon sa mga estud­yante, “very private” ang kanilang mga account at ang mga larawan ay ipinost sa ‘friends only’ setting.

Maaari ding ikonsidera ang pagsi-shared ng post  na posibleng pinost at tinag ng kanyang mga kaibigan kaya’t nawawala na ang privacy setting sa ‘Friends’.

Show comments