MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules ang umano'y alok na tulong kay Bise-Presidente Jejomar Binay.
Sinabi ni Aquino na binaligtad ng tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla ang kanyang pakikipag-usap sa bise-presidente.
"The Vice President... was asking advice for instance on what to do. So I did not offer to help. He asked for advice on how to handle the situation amongst other things," paliwanag ng Pangulo sa Presidential Forum of the Foreign Correspondents Association of the Philippines.
Pinayuhan ni Aquino si Binay na kay Senate President Franklin Drilon na lamang itanong kung maaari bang pigilan ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.
Nitong kamakalawa ay sinabi ni Remulla na inalok ni Aquino si Binay ng tulong.
"[The] Vice President replied the family is hurting from all the lies and baseless accusations, especially his wife, Dr. Elenita Binay. At this point the President asked how he can help or "paano ako makakatulong?" pahayag ni Remulla.
Nauna nang sinabi ni Aquino na wala siyang balak sitahin si Binay dahil maganda ang ginagawa niyang trabaho.
"At the end of the day, 'yun na nga, sabi ko sa kanya, the truth will come out; and between the two of us, you will know what the truth is so, you will know what will be coming out.”
Nahaharap sa kotrobersiya si Binay dahil sa umano'y tagong yaman mula sa pangungurakot mula nang maupo sa puwesto bilang alkalde ng lungsod ng Makati.