^

Bansa

Sasakyan ipagbabawal sa walang sariling paradahan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang kongresista ang pagbabawal sa pagbili ng sasakyan kapag walang sariling paradahan o garahe. Sa House bill na inihain ni 5098 o ang Proof of Parking space Act na inihain ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, itinatakda nito na hindi papayagang makabili ng sasakyan ang sinuman, indibidwal  man o korporasyon kung wala itong paradahan.  Iginiit ni Gatchalian na no parking, no car ang patakarang kanyang nais pairalin lalo na  sa Metro Manila upang maiwasan na madagdagan pa ang dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.  Itinatakda ng panukala sa mga bibili ng sasakyan na magbigay ng affidavit na mayroon siyang lugar na pagpaparadahan ng binibiling sasakyan. Sa sandaling mapatunayan na nagsisinungaling ang car buyer  ay pagmumultahin ito ng P50,000, pagpapawalang saysay sa registration ng biniling sasakyan at hindi na ito papayagan pang makapagparehistro ng sasakyan sa loob ng tatlong taon.

GATCHALIAN

IGINIIT

ISINUSULONG

ITINATAKDA

METRO MANILA

PROOF OF PARKING

SA HOUSE

SASAKYAN

SHERWIN GATCHALIAN

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with