MANILA, Philippines – Hindi muna papayagan ng pamahalaan ang mga returning OFWs na bumalik sa mga bansang apektado ng Ebola Virus. Sinabi ni POEA administrator Hans Leo Cacdac na ititigil muna nila ang pagproseso ng mga returning OFWs sa mga tatlong West African countries na apektado ng sakit, kabilang na ang Guinea, Liberia at Sierra Leone. Mananatili aniya ang naturang polisiya hanggang sa magkaroon ng kaukulang koordinasyon ang DFA at DOH at tuluyan nang matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs. Samantala, nagpakalat na ng circular ang POEA upang matulungan ang mga Pinoy seafarers at manning agencies na makaiwas na mahawa ng Ebola.