^

Bansa

PNP naka- full alert sa Undas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamamayang magtutungo sa mga sementeryo ngayong Undas, itotodo ng Philippine National Police sa full alert ang buong tropa nito sa nasabing araw.

“The entire PNP will be placed on full alert to provide maximum coverage and public safety services,” ayon sa PNP Police Community Relations Group.

Dito, ang lahat ng PNP ay naka-duty at hindi muna pinapahintulutan na mag-leave of absence upang sumuporta sa prog­ramang pang kapayapaan at katahimikan ng araw ng Undas.

Para masigurong magagabayan ang mga mamamayan, maglalagay ang kagawaran ng police assistance desks sa mga sementeryo maging sa mga kalye para naman sa mga biyahero.

Gayunman, hinikayat ng PNP ang publiko na bumiyahe ng maaga upang makaiwas sa inaasahang matinding trapik sa kalsada.

Nakabantay din ang buong kagawaran laban sa mga taong nagbabanta na maghasik ng kaguluhan upang sirain ang nasabing okasyon.

Upang lalong maging matatag ang pagbabantay sa anumang uri ng masamang elemento lalo na ang mga mananamantala sa mga bahay na iiwan ng bawat pamilya, makiki­pag-ugnayan ang PNP sa mga barangay officials para makatuwang sa seguridad.

vuukle comment

DAHIL

DITO

GAYUNMAN

NAKABANTAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY RELATIONS GROUP

UNDAS

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with