MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang ang kaligtasan ni Pope Francis sa pagbisita nito sa Enero ng susunod na taon sa kabila ng banta ng Abu Sayyaf Group laban sa lider ng Simbahang Katoliko.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, lahat ng paghahanda ay ginagawa ng pamahalaan para masiguro lamang ang kaligtasan ng Santo Papa na darating sa bansa sa Enero 2015.
Kabilang sa preparasyong ginagawa ng Palasyo ay ang pagtatalaga sa Filipino peacekeeping contingent mula sa Golan Heights na umuwi sa bansa upang magiging seguridad ng Papa.
Kabilang sa dadalawin ng Santo Papa ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.