17 suspect sa Maguindanao massacre, walang pampiyansa

MANILA, Philippines - Walang pampiyansa ang 17 pulis na akusado sa karumal-dumal na Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen sa Ampatuan,  Maguindanao noong 2009 dahilan wala ang mga itong pambayad ng piyansa na tig P11.6 M bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Dahil dito, aminado ang kampo ng mga aku­sadong miyembro at opisyal ng pulisya na bagama’t natutuwa ang mga ito dahilan pinayagan na sila ng korte na magpiyansa ay malabo pa rin ang kanilang kalayaan.

“Masyadong malaki, saan naman sila kukuha ng ganyang kalaking halaga kahit magbenta pa ng ari-arian at ilabas ang lahat ng naiipon ay kulang na kulang pa ring pampiyansa,” anang mga kasamahang pulis ng mga akusado.

Ayon pa sa mga ito, makakalaya lamang ang mga akusado kung may samaritano na tutulong sa mga ito.

Nitong Miyerkules ay iniutos na ni QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagbayad ng piyansa ng 17 pulis na akusado sa kaso ng tig-P200,000 bawat isa sa 58 murder cases na kanilang kinakaharap o nasa kabuuang P11.6 milyon bawat isang suspect.

 

Show comments