^

Bansa

Impeach vs Binay mali – Bishop Cruz

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Archbishop Oscar Cruz na isang malaking pagkakamali na ipa-impeach si Vice-President Jejomar Binay.

Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sakaling ituloy ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III  ang kanilang  balak na impeachment laban kay VP Binay.

Aniya, posibleng makuha muli ni Binay ang simpatya ng publiko kung isasalang ito sa impeachment proceedings.

“Huwag silang magkamaling gawin yan, impeach ang bise presidente, lalong sisikat yan, politically it is a wrong move”, wika pa ni Cruz.

Aniya, bagama’t bumaba ang rating ni Binay sa survey ng isangkot sa overpriced Makati carpark building at ang pagkakaungkat ng Hacienda Binay sa Batangas ay tiyak na muling a­angat ang popularidad nito.

Naniniwala ang Arsobispo na ang impeachment sa ngayon ay hindi na isang ethical pro­cess kundi pulitika process lalo pat ang pagde­desisyon sa kaso ay base sa dami ng iyong kaalyado sa halip na pagbatayan ang bigat ng mga akusasyon.

 

vuukle comment

ANIYA

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

ARSOBISPO

BATANGAS

BINAY

HACIENDA BINAY

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

PANGULONG BENIGNO AQUINO

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with