MANILA, Philippines – Maaari umanong gamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong anti-violence case against women and children ang video ng pagdi-date umano nina actress/host Kris Aquino at actor Derek Ramsay na ipinakita sa isang TV program.
Ayon kina Mary Christine Jolly-Ramsay at abogado nitong si Atty. Argee Guevarra, nais na ipakita ni Derek sa video ng kanilang pagdi-date ni Kris na hindi umano ito natatakot sa kasong kanyang kinakahap at pagiging ‘untouchable’. Si Derek ay sinampahan ng concubinage at anti-violence against women and children sa Makati at Parañaque courts.
“Derek Ramsay seeks to convey the message to my client, and insinuate even to Justice Secretary Leila de Lima and to the Parañaque Prosecutor’s Office that he is ‘untouchable’ and he is ‘above the law’ since he is dating the sister of the most powerful man in the country today,” ani Guevarra sa isang impromptu press briefing.
Sinabi ni Guevarra, malaki ang naging epekto ng nasabing video sa anak ni Derek na si Austin, 11 na kasalukuyang nasa bansa.
Nagpahayag umano ng sama ng loob at pagtataka ang bata kung bakit ibang babae ang kasama nito sa halip na kasama niya.
Dagdag pa ni Guevarra na ang psychological abuse na ipinakita ng video ay hindi lamang kay Mary Christine at kay Austin kundi maging sa publiko kung saan hindi umano ikinahihiya ang pambabae at panloloko.