MANILA, Philippines – Kahit ilang beses nang tinanggihan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ideyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa, naniniwala ang isang dating opisyal ng gobyerno na magbabago pa ang isip ng alkalde.
"Ito kasi parang advocacy na ito. There is what we call destiny. Kung talagang destiny ng isang na sya ang mamuno sa ating bayan kahit ayaw nya baka sa bandang dulo , ma-encourage sya na tumakbo din," pahayag ni dating National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director del Rosario ngayong Lunes sa pulong balitaan na pinamagatang Duterte for 2016 President Movement sa Greenhills, San Juan City.
Bilang malapit na kaibigan at naging katrabaho sa loob ng anim na taon, kumpiyansa ang dating NDRRMC executive director na kayang patakbuhin ni Duterte ang bansa.
"As a friend of Mayor Duterte, I worked with him for more than six years as battalion commander from 2000 to 2003 , as Task Force Davao commander from 2004 to 2006 and as Brigade commander in 2009, I know that Mayor Duterte is capable to become president of our country...Malaki ang kanyang kakayahan at maganda ang kanyang ginagawa. Yan ang kailangan ng ating bayan," paliwanag niya.
Isa sa mga ibinidang niya na nagawa ni Duterte ay ang mapababa ang krimen sa nasasakupang lungsod at gawing disiplinado ang mga tao.
Aniya mayroong "silent majority" na sumusuporta sa ideyang pagtakbo ni Duterte.
Bukod kay del Rosario, nakita rin sa pulong balitaan si ex-Philippine National Police chief Roberto Lastimoso.