^

Bansa

4 oil firms humabol sa bigtime rollback

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humabol sa “bigtime rollback” ang apat pang kumpanya ng langis nitong madaling araw ng Linggo na ikinatuwa ng maraming motorista.

Unang naiulat ang rolbak na ipinatupad ng Petron Corporation ngunit nakisabay na rin ang Pilipinas Shell na nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto dakong alas-12:01 Linggo ng madaling araw.

Nasa P1.10 kada litro ang ibinawas ng Shell sa premium at unleaded gasoline; P1.55 kada litro sa diesel at P1.60 kada litro sa kerosene.

Nagbaba rin ng presyo ang independent player na PTT ng P1.20 kada litro sa gasolina at P1.55 sa diesel.

Ang Seaoil naman, P1.20 kada litro ang ibinaba sa gasolina; PP1.65 sa diesel at P1.60 sa kerosene.

Una namang nagdeklara ng P1 kada litrong rolbak sa gasolina at biodiesel ang kumpanyang Flying V ngunit dinagdagan rin ang tapyas presyo ng P.40 kada litro sa gasolina at P.60 sa biodiesel. Dahil dito, umakyat sa kabuuang P1.40 kada litro ang itinapyas nila sa presyo ng gasolina at P1.60 sa diesel.

ANG SEAOIL

DAHIL

FLYING V

HUMABOL

KADA

LINGGO

LITRO

NAGBABA

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with