MANILA, Philippines – Bagama’t nakagawian nang isuot ang mga nakatatakot na costumes tuwing Halloween, hinikayat ng isang Obispo ang publiko na gayahin at isuot ang mga damit ng mga santo at martir ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Bagaforo, umapela siya sa mga kabataan na gumawa ng makabuluhang activities na may kinalaman sa “Undas” (All Saints’ Day) at hindi ang mga nakasanayang horror activities.
Sinabi ni Bagaforo na mas mabuti nang ginagaya ang nagawa at anyo ng mga santo sa halip na katatakutan.
Mas dapat na ipinakikita ang pamumuhay at kabutihang asal ng mga santo na mas makatutulong sa pag-uugali ng mga kabataan.
Paliwanag naman ni CBCP media director Msgr. Pedro Quitorio, hindi naman ipinagbabawal ang anumang party subalit dapat na iwasan ang pagsamba sa mga “evil one.”
Aniya, walang masama sa mga costumes subalit kailangan lamang na nagbibigay ito ng mensahe ng pananampalataya at mabuting pag-uugali.