^

Bansa

Damit ng santo, martir sa All Saints Day

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t nakagawian nang isuot ang mga nakatatakot na costumes tuwing Halloween,  hinikayat ng isang Obispo ang publiko na  gayahin at isuot ang mga damit ng mga santo at martir ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Bagaforo, umapela siya sa mga kabataan na gumawa ng makabuluhang activities na may kinalaman sa “Undas” (All Saints’ Day) at  hindi ang mga nakasana­yang horror activities.

Sinabi ni Bagaforo na mas mabuti nang ginagaya ang nagawa at anyo ng mga santo sa halip na katatakutan.

Mas dapat na ipinakikita ang pamumuhay at  kabutihang asal ng mga santo na mas makatutulong sa pag-uugali ng mga kabataan.

Paliwanag naman ni CBCP media director Msgr. Pedro Quitorio, hindi naman ipinagbaba­wal ang anumang party subalit dapat na iwasan ang pagsamba sa mga “evil one.”

Aniya, walang masama sa mga costumes subalit kailangan lamang na nagbibigay ito ng  mensahe ng pananampalataya at ma­buting pag-uugali.

vuukle comment

ALL SAINTS

ANIYA

AYON

BAGAFORO

COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE BAGAFORO

PEDRO QUITORIO

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with