MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong graft sa Ombudsman ang principal ng Bayambang 1 Central School ng miyembro ng Parents Teachers Association (PTA) dahil umano sa maling paggamit ng pondo nito.
Sa 4-pahinang reklamo na isinampa ng PTA sa pamumuno ng pangulo nitong si Filipinas Alcanta sa Ombudsman regional branch sa Rosales, Pangasinan inakusahan nito si Danilo Lopez ng graft sa hindi umano tamang paggamit ng cleanup operations ng nasabing paaralan.
“He used our school’s Maintenance and Other Operating Expenditure (MOOE) for fake projects. He also undertook a project where he paid double to a janitor who is already covered by the MOOE,” wika ni Alcantara.
Inakusahan nila si Lopez ng “pangongolekta” ng fees mula sa mga vendor araw-araw bukod sa hindi nito paggawa ng financial report sa Bingo Social project ng paaralan.
“Mr. Lopez also allowed the collection of P400 in graduation fees from Grade Six pupils in March this year, despite an existing order of the Department of Education disallowing the collection of any graduation fees or any kind of contribution,” wika ni Alcantara bukod sa overspending daw nito ng P87,000 para sa school ID.
Aniya, mula ng matalaga sa Bayambang Central School si Lopez bilang principal ay hindi pa ito ng nagpatawag ng general meeting kasama ang PTA.
Kamakailan ay nagsagawa ng kilos-protesta ang may 300 miyembro ng PTA dahil sa illegal na paglilipat ng paaralan sa ibang lugar na walang pahintulot ng DepEd.