'Ompong' pinakamalakas na bagyo ngayong taon

MANILA, Philippines – Tinatayang ang Super Typhoon Ompong (international name Vongfong) ang pinakamalakas na bagyong daraan sa bansa ngayong taon, ayon sa  state weather bureau ngayong Miyerkules.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) si Ompong sa 1,080 kilometro silangan ng Tugegarao kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng bagyo ang lakas na 215 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 250 kph, habang gumagalaw ito sa bilis 9 kph.

Nilinaw naman ng PAGASA na hindi mananalasa si Ompong sa bansa dahil hindi ito tatama sa kalupaan kaya naman wala itong direktang epekto.

"'Ompong' is too far to affect any part of the country," pahayag ng PAGASA.

Show comments