^

Bansa

Family Farming isinusulong ni Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Sen. Cynthia A. Villar sa pamilyang Pilipino partikular sa mga nakatira sa lalawigan na magsagawa ng family farming, o magtanim ng gulay at prutas sa kanilang sariling bakuran.

Aniya, madalas na sa backyard farms o vegetable gardens nagsisimula ang agri-related o farm business enterprises.

Sa katunayan, sinabi ng senador na idineklara ng United Nations ang 2014 bilang “International year of Family Farming.”

Base sa official statistics, aabot sa 1.5 bil­yong katao ang nasa family farming sa mahigit 500 mily­ong sakahan sa buong mundo. May 50 percent din ng pagkain sa buong mundo ang nagmumula sa family farmers.

Bunga nito, binigyan-diin ni Villar na kailangang tulungan ang maliliit na magsasaka sa pama­magitan ng pagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng karagdagang kita.

Ayon sa senador, re­gular siyang nagbibigay ng vegetable garden projects sa mga pamilyang apektado ng mga nakaraang bagyo sa iba’t ibang lalawigan na karamihan ay nakatira sa tents o shelters.

Binanggit din niya na angkop ang ganitong uri ng trabaho sa agrikultura sa OFWs na nakatira sa labas ng Metro Manila.

ANIYA

AYON

BINANGGIT

BUNGA

CYNTHIA A

FAMILY FARMING

METRO MANILA

NANAWAGAN

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with