PH ligtas pa din sa FMD – Alcala

MANILA, Philippines - Advantage ng Pilipinas sa larangan ng livestock ang pagiging archipelagic nito at ligtas pa din sa Foot and Mouth Disease (FMD) ang mga livestock, ayon kay Agriculture Sec. Proceso Alcala.

Sinabi ni Sec. Alcala, ang pagkakahati ng Pilipinas sa mahigit 7,000 isla ay naging advantage ng bansa sa larangaran ng livestock kaya hindi madaling mahawa sa sakit ang ibang hayop.

“Ano advantage ng island by island? Halimbawa magkaroon ka ng sakit sa isang island, pwede mong ma-control yun. ‘Yung iba free sa disease.  Sa ibang bansang one mass of land, pag may nagkasakit na hayop, malaki ang tendency na madamay lahat (What is the advantage of being separated by islands?  If disease is prevalent in one, you can control it and spare the other islands. Contagion is more likely in countries with a single land mass),” paliwanag pa ni Sec. Alcala.

Idinagdag pa ng DA chief, ang agrikultura ang sector na maipagmamalaki ng Pilipinas bilang paghahanda sa ASEAN integration.

“Without agriculture, wala tayong maipagmamalaki.  Industry-wise, maliit pa tayo. Pero agriculture, we can supply,”  dagdag pa nito.

Aniya, dahil sa nahahati sa maraming isla ang Pilipinas ay wala tayong malawak ng foot and mouth disease sa mga hayop kahit wala tayong ginagawang malawakang vaccination kaya kayang kaya nating mag export ng pork sa ibang bansa.

 

 

Show comments