^

Bansa

Bagong bagyo papasok

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang panibagong bagyo ang inaasahang papasok sa karagatang teritoryo ng Pilipinas matapos na mamataan sa karagatang Pasipiko.

Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster ng Pagasa, kinategorya ng Japan Meteorology Agency ang namataang weather disturbance na isang bagyo.

Maari anyang Miyerkules o Huwebes ng susunod na linggo ito papasok sa Philippine Area of Responsibility.

Sa sandaling makapasok na ito sa bansa ay tatawaging “Ompong”, ang ika-15 bagyo ngayong taon at pangalawa sa Oktubre.

Dalawa hanggang sa tatlo pang bagyo ang inaasahang makakaapekto sa bansa ngayong buwan.

Gayunman nilinaw ni Cada na hindi na ito inaasa­hang magla-landfall dahil halos kasunod lamang ito ng nakaraang bagyong Neneng na papuntang timog Japan.

Pero pag-iibayuhin nito ang hanging habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa bansa.

vuukle comment

AYON

CADA

DALAWA

FERNANDO CADA

GAYUNMAN

HUWEBES

ISANG

JAPAN METEOROLOGY AGENCY

MAARI

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with