MANILA, Philippines – Ibinasura na ng Sandiganbayan ang Commission on Audit (COA) report na inihain sa Senado kahapon kaugnay ng kontrobersyal na Makati City Hall II parking building, ayon sa kampo ng asawa ni Bise-Presidente Jejomar Binay.
Sinabi ng abogadong si Juan Carlos Mendoza na nagtamo ng “fundamental issues of arbitrariness” ang COA report na ginamit ni Commissioner Heidi Mendoza at mismong ang Second Division ng anti-graft court ang nagsabi nito noon pang Abril 7, 2011.
Dagdag ng abogado na kinatigan pa ng Korte Suprema ang resolusyon ng Sandiganbayan noong 2012.
"It was expected that as a high ranking public official, Ms. Heidi Mendoza would has been candid enough to admit to the Senate that the Audit Report she was testifying on yesterday was already discredited by the Sandiganbayan," pahayag ng kampo ni Binay.
Aniya ito ang dahilan kaya ibinasura ang kaso laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay at iba pang miyembro ng Bids and Awards Committee.
Sinabi ng COA kahapon sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-committee na nakitaan nila ng anomalya ang pagpapagawa ng Makati City Hall II parking building.
Isiniwalat pa ng commissioner na noong 2001 ay may mga umano'y overpriced na medical equipment na binili ang pamahalaang lokal ng Makati.