MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Neneng” ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 1,385 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay ni Neneng ang lakas na 175 kilometers per hour at bugsong aabot sa 210 kph, habang gumagalaw ito pa hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.
Sinabi ng PAGASA na hindi tatama sa kalupaan si Neneng at wala itong direkang epekto sa bansa.
Tinatayang nasa 1,180 kilometro hilaga-silangan ng Itbayat o nasa labas na ng PAR ang bagyo bukas.