^

Bansa

2nd term ni PNoy binara

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim sa bawat 10 Pinoy o may 62 percent ng mamamayan ang ayaw na ma-extend ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay batay sa pinaka latest survey na isinagawa ng Pulse Asia hinggil sa usapin ng pag-amyenda sa Konstitusyon na magbibigay daan sa inaasahang pagpapa­lawig ng termino ng Chief executive.

Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na hindi na siya tatakbo para sa ikalawang termino pero gagawin ang nais ng kanyang mga boss, ang taumbayan.

May apat naman sa 10 Pilipino o 38 percent ang pabor sa term extension ni PNoy.

Walo naman sa kada 10 Pinoy o 62 percent ang ayaw amyendahan ang Konstitusyon dahil sa pagtutol na mabigyan ng permiso ang mga dayuhan na magkaroon ng mga pagmamay-aring lupain sa Pilipinas.

May 20% namang payag sa Cha-cha ha­bang 18% ang wala pang desisyon.

May 1,200 res­pondents ang natanong ng Pulse Asia sa ibang ibang bahagi ng ating bansa hinggil sa isinagawang survey na ito. 

Sinabi naman ni Communications Sec. Her­minio Coloma, na makikinig ang Pangulo sa nais ng kanyang mga boss bago gumawa ng kanyang desisyon.

Ilang kaalyado ng Pangulo sa Kamara ang nagsusulong ng Chacha at pag-alis sa term limit sa mga elected officials upang muling makatakbo si PNoy sa 2016 elections.

 

CHACHA

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

KONSTITUSYON

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PINOY

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with