MANILA, Philippines - Inoobliga na ngayon ng Korte Suprema ang 6,344 Bar examinees na gumamit ng transparent o plastic bag simula ngayong Linggo kaugnay ng pagsisimula ng Bar Exam.
Batay sa Bar Bulletin na pirmado ni Bar Chairman at SC Associate Justice Diosdado Peralta, layunin ng bagong polisiya na mapabilis ang inspection sa mga bag at personal na gamit ng mga examinees bago pumasok ng kanilang mga kuwarto sa University of Santo Tomas kung saan isasagawa ang exams.
“All the examinees should place their books, bar material, pens, foods, water, and other personal items inside transparent or see-through bags, clear zip-lock bags, pouches, lunch boxes, clear water containers, and other similar containers,” nakasaad sa Bar bulletin.
Nais din ng bagong patakaran na masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga Bar examinees personnel.