^

Bansa

Senate probe sa Makati pinatitigil

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng abogado ni Makati Mayor Junjun Binay sa Senate Blue Ribbon Committee na ipatigil ang pagdinig sa sinasabing overpriced na Makati Building 2.

Ngayong araw na ito na­katakdang ituloy ng komite ang imbestigasyon kung saan inim­bitahan ang nasa 77 indibiduwal ka­sama na sina Vice President Jejomar Binay at anak  nitong si Mayor Binay.

Ayon kay Atty. Claro Certeza na personal na naghain ng “Manifestation with Motion” sa tanggapan ni Sen. Teofisto Guingona, nilabag ng Blue Ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel ang karapatan ng kanyang kliyente kabilang na ang maagang paghusga sa kanya.

Ipinaliwanag ni Cer­teza na, sa ilalim ng Section 3  ng Resolution No. 5 ng Senate Rules of Procedure on Inquiries in Aid of Legislation, dapat solusyunan muna ang naisasampang jurisdictional challenge bago ipagpatuloy ang mga pagdinig sa anumang imbestigasyon.

Ipinahiwatig ni Certeza na mahalagang maipri­sinta muna sa lahat ng mga miyembro ng komite ang isang jurisdictional challenge para sa tamang pagtataya at pagde­desisyon.

Nauna rito, dinismis ng sub-committee na pinamumunuan ni Pimentel ang naturang jurisdictional challenge at ipinagpatuloy ang pagdinig sa kabila ng pagtutol ni Certeza.

Pinuna ni Certeza na naging arogante umano ang sub-committee sa pagsasagawa ng kapangyarihan sa pagbibigay ng hatol sa jurisdictional challenge.

Idiniin pa ni Certeza na, sa ilalim ng Senate rules, ang anumang juris­dictional challenge ay dapat pagpasyahan ng buong Blue Ribbon Committee at hindi ng isang sub-committee lang.

Kinumpirma rin ni Certeza na hindi muli dadalo sa pagdinig nga­yon ang mag-amang Binay.

vuukle comment

AID OF LEGISLATION

BLUE RIBBON

BLUE RIBBON COMMITTEE

CERTEZA

CLARO CERTEZA

KOKO PIMENTEL

MAKATI BUILDING

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with