MANILA, Philippines – Inatasan ng Sandiganbayan ang Security and Sheriff’s Services Division ng graft court na limasin ang walong paintings kabilang na ang isang painting ni Michaelangelo at Pablo Picasso na sinasabing nasa pamilya ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa Sandiganbayan First division, ang naturang mga paintings ay kailangang itago ng Bangko Sentral ng Pilipinas habang naka-pending ang resolution ng isang civil case na may kinalaman sa mga umano’y nakaw na yaman ng mga Marcos.
Ang desisyon ng graft court ay ginawa bilang aksiyon sa naisampang petisyon ng PCGG hinggil dito.
Ilan sa mga paintings na pinababawi ng gobyerno mula sa mga Marcos ay ang Madonna and Child by Michelangelo Bounarroti; Femme Couchee VI (Reclining Woman VI) by Pablo Picasso; Portrait of the Marqueza de Sta. Cruz by Francisco de Goya; Still Life with Idol by Paul Gaugin; LaBaignade Au Grand Temps by Pierre Bonnard; Vase of Chrysanthemums by Bernard Buffet; Jardin de Kew pres de la Serre 1892 by Camille Pisarro; L’Aube by Joan Miro.
Partikular na pinabusisi ng Sandiganbayan ang bahay ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kasama na rin ang kanyang kuwarto sa Kongreso sa Room NB-218 at sa kanyang condominium suites sa Penthouse sa One McKinley Place sa Bonifacio Global City at sa 34-B Pacific Plaza Condominium sa Ayala Avenue, Makati City.
Ilan pa sa posibleng kinaroroonan ng naturang mga paintings ang ancestral house ng mga Marcos sa Batac, Ilocos Norte at lumang bahay ng pamilya sa Don Mariano Marcos Street kanto ng P. Guevarra Street sa San Juan.