MANILA, Philippines – Tila naaapektuhan ng kontrobersya ang karera ni Bise-Presidente para sa pangarap na pagkapangulo sa 2016, ayon sa isang survey.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia parasa 2016 presidential election, nangunguna pa rin si Binay ngunit bumaba ang kanyang rating sa 31 mula sa 41 na nakuha niya noong Hunyo 24 hanggag Hulyo 2.
Sumunod naman sa listahan si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may 13 percent, habang nasa ikatlong puwesto si Senador Miriam Defensor Santiago na may 11 percent.
Pasok din sa listaha sina Senador Grace Poe at dating pangulo na ngayo'y Manila City Mayor Joseph Estrada na may 11 at 10 percent, ayon sa pagkakasunod.
Lumabas na liyamado si Binay sa Luzon (32 percent), Metro Manila (33 percent) at Mindanao (33 percent), habang gitgitan naman sila ni Roxas sa Visayas (27 at 22 percent).
Bumaba ang ratings ni Binay matapos pumutok ang kontrobersya tungkol sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building.
Nahaharap si Binay at ang kanyang anak sa kasong plunder dahil sa umano'y pamumulsa ng pondo ng lungsod.