^

Bansa

Pinsala ni ‘Mario’ P2-B na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa P2 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Mario habang tumaas na rin sa 18 ang death toll.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Exe­cutive Director Alexander Pama, pinakamataas sa naitalang pinsala ay sa agrikultura na nasa P1.45 bilyon na ang pinakamarami ay mga pananim na nasa P1.09 bilyon.

Nasa P 298.7 M naman ang pinsala sa mga pangunahing highway at tulay habang sa mga lokal na tulay at kalsada ay nasa P107.2 M.

Ang imprastraktura ay nagtamo ng P585.21M pinsala; P104.26 M sa iskul, hospital at P75 M sa istraktura sa flood control program.

Tumaas naman sa 18 katao ang death toll, apat ang nawawala at 16 ang sugatan.

Samantala naitala sa 419,939 pamilya o 1,907,617 katao ang naapektuhan sa 1,703 bara­ngays.

DIRECTOR ALEXANDER PAMA

MARIO

NASA

NASA P

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PINSALA

SAMANTALA

TUMAAS

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with