BI naghigpit sa banta ng ISIS

MANILA, Philippines - Naghigpit ang Bureau of Immigration sa harap ng banta ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa bansa.

Ayon kay Immigration  Commissioner Siegfred Mison, partikular na hinihigpitan ang mga dayuhan o balikbayan mula sa Middle East.

Gayuman, sinabi ni Mison na hindi naman red alert pero bagama’t merong ibinibigay na special intention sa mga pasahero na galing sa ilang mga bansa.

Kasalukuyan pa rin nilang kinukumpirma ang balita sa pag-alis ng ilang Pinoy para mag-training sa ilalim ng ISIS saka bumabalik ng Pilipinas.

Patuloy naman anya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya  upang makakuha ng listahan ng mga personalidad na iniuugnay sa ISIS upang matutukan.

Show comments