^

Bansa

Hospital arrest ni Enrile pinagbigyan ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan ang hospital arrest kay Sen. Juan Ponce Enrile na akusado sa P10 bilyong pork barrel scam. ?

Batay sa 16-pahinang resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, mananatili si Enrile sa PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame sa Quezon City hanggang sa matiyak ng kanyang mga doktor na siya’y physically fit na para milipat sa angkop na pasilidad ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology (BJMP) o ibang piitan.

Maaari lamang maka­pagpatingin sa health facility sa labas ng PNP General Hospital ang 90-anyos na senador kung emergency ang kondisyon nito at kung hindi kaya ng ospital ang medical procedure na kakailanganin, wika ni clerk of court Dennis Pulma.

Paglilinaw naman ng korte, kailangang sagutin ni Enrile ang lahat ng gastos sa ospital.?

Hulyo 4 nang pansa­mantalang ikulong sa PNP General Hospital ang suspendidong senador matapos sumuko sa mga kasong plunder at graft.

Ilang ulit din itong lumabas mula sa ospital para makapagpasuri ng mata.

Si Enrile ay sinasabing nakakuha ng komisyon na umaabot sa P183 mil­yon mula sa kanyang PDAF na nailagak sa pekeng NGO ni Janet Napoles.

BUREAU OF JAIL MANAGE

CAMP CRAME

DENNIS PULMA

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

JANET NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN THIRD DIVISION

SI ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with