MANILA, Philippines - Maghahain ng kanyang sariling death penalty bill sa Kamara si Iloilo Rep. Jerry Trenas dahil sa umano’y tumataas na krimen sa bansa.
Sinabi ni Trenas na panahon na para muling bisitahin ang Revised Penal Code at ibalik ang parusang bitay sa gitna ng pagdami ng mga karumal-dumal na krimen.
Giit ng kongresista, wala ng takot ang mga kriminal sa mga umiiral na batas kaya ang publiko ay natatakot na at hindi ligtas kahit pa sa loob ng kanilang tahanan.
Bukod dito, kailangang i re-qualify muna ang mga krimen na ituturing na heinous o karimarimarim at dapat tapatan ng capital punishment.
Maaari umanong mahanay dito ang krimen ng rape with murder, multiple murder, drug trafficking at drug smuggling.
Dahil dito iminumungkahi ni Trenas na magtatag na ng multi-sectoral commission na magre- review sa isyu ng death penalty.