^

Bansa

PNoy muling idinepensa si Purisima

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man nasisi­mulan ang imbestigasyon kay PNP chief Alan Purisima ay inabswelto na kaagad ito ni Pangulong Aquino.

Sinabi ng Pangulo sa coffee with the media na kasama niya sa US trip, matagal na niyang kilala si Gen. Purisima simula pa noong 1987.

Ang pagkakakilala niya rito ay hindi ito matakaw at hindi ito magarbo sa kanyang pamumuhay.

Gayunman, ipinauubaya ng Malacañang kay Purisima kung magdedesisyong itong boluntar­yong magbakasyon.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi magiging hadlang sa ginagawang imbestigasyon sa PNP chief ang pagiging malapit nito kay PNoy.

Inakusahan si Purisima ng plunder, graft at indirect bribery sa Ombudsman ng Coalition of Filipino Consumers dahil sa milyong halaga ng properties nito sa Nueva Ecija bukod sa ipinata­yong White House nito sa loob ng Camp Crame na mula umano sa donasyon.

Kinuwestyon din ng grupo ang lumitaw na Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Purisima sa Civil Service Commission (CSC) kung saan ay ipinapalagay nilang under valued ang nakasaad ditong ari-arian kabilang ang multi-milyong halaga ng rest house ng PNP chief sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Maging ang Senado ay nais busisiin ang SALN ni Purisima at pinapaharap ang PNP chief sa kanilang imbestigasyon.

Siniguro naman ng tagapasalita ng PNP na sasagutin at haharapin ni Purisima ang mga alegasyon dito sa tamang venue.

ALAN PURISIMA

CAMP CRAME

CIVIL SERVICE COMMISSION

COALITION OF FILIPINO CONSUMERS

EDWIN LACIERDA

LIABILITIES AND NET

NUEVA ECIJA

PANGULONG AQUINO

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with