MANILA, Philippines - Umakyat na sa 16 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong "Mario," ayon sa state disaster response agency.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bukod sa mga nasawi ay 16 katao rin ang naitalang nasaktan noong kasagsagan ng bagyo sa regions 1, 4-A, 4-B, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.
Apat katao pa rin ang pinaghahahanap, dagdag ng NDRRMC.
Aabot naman sa 260,000 pamilya o halos dalawang milyong tao ang naapektuhan ni Mario mula sa 1,224 barangay sa 27 lalawigan ng regions 1,2,3,4-A, 4-B, 5, 7, CAR at NCR.
Samantala, pumalo na sa higit P900 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura