MANILA, Philippines - Binawi ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang naunang pangako sa kanyang mga boss na hindi ito magtatalaga ng kamag-anak sa gobyerno matapos na italaga nito bilang chief executive officer ng Clark International Airport Corporation ang kanyang pinsan.
Itinalaga ni Pangulong Aquino ang kanyang 2nd cousin na si Emigdio Tanjuatco III bilang pangulo at CEO ng Clark International Airport.
Noong nakaraang buwan pa nilagdaan ang appointment papers ni Tanjuatco bilang CEO at president ng Clark International Airport.
Ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa Jr. na lumagda sa appointment ng presidential cousin, ang termino nito ay hanggang June 30, 2015.
Si Tanjuatco ay anak ni Emilio Sumulong Tanjuatco Jr. na first counsin ni Pangulong Cory Aquino na ina naman ng kasalukuyang presidente ng bansa.