^

Bansa

Kahit nasa abroad: PNoy nakamonitor sa pinsala ni Mario

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit nasa ibang bansa, tiniyak kahapon ng Malacañang na updated si Pangulong Aquino at alam nito ang lawak ng pinsala na iniwan ng bag­yong Mario.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, alam pa rin ng Pangulo ang mga nangyayari sa bansa lalo na’t hinagupit ang Luzon ng nakaraang bagyo.

Itutuloy pa rin aniya ng Pangulo ang mga lakad nito na pupunta sa Amerika matapos ang biyahe sa Europa.

Ayon pa kay Lacier­da, pinadadalhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng updates si PNoy na nagbibigay naman ng atas kay Executive Sec. Paquito Ochoa, Jr.

Dumating ang bag­yong Mario sa Pilipinas habang nasa Europa ang Pangulo.

Magtutungo rin ang Pangulo sa New York upang dumalo sa United Nations Global Climate Change Summit.

Sa Setyembre 25 naman ito inaasahang babalik sa Pilipinas.

Samantala, tiniyak din kahapon ng Palas­yo na mag-iikot sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Mario ang mga miyembro ng Gabinete na naiwan sa Maynila. (Malou Escudero)

AYON

EXECUTIVE SEC

MALOU ESCUDERO

MARIO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEW YORK

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PAQUITO OCHOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with