La Mesa Dam umapaw

Umapaw ang La Mesa dam sa Quezon City matapos umabot na sa critical level kahapon dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng bagyong Mario. (Boy Santos)

MANILA, Philippines - Bunga nang walang humpay na pag-ulan mula Huwebes hanggang Biyernes dahil sa bagyong Mario ay umapaw ang La Mesa dam sa Quezon City.

As of 10:30am, umabot na sa 80.17 meters ang water level sa naturang dam, mas mataas sa critical level na 80.15 meters na naging hudyat para magpa­kawala ng tubig ang naturang dam dakong alas-10:10 ng umaga kahapon.

Bunga ng pagpapakawala ng tubig sa La mesa dam, naapektuhan nito ang Tullahan river sa Quezon City, gayundin ang North Fairview at Novaliches kasama na ang CAMANAVA areas na kinabibilangan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Nasa evacuation center na ang mga nailikas na residente na naninirahan malapit sa Tullahan river.

Ang pinagkaiba umano sa La Mesa sa ibang mga dams, kapag umapaw ito ay parang timba na tuloy-tuloy lang dahil sa wala itong gates na pipigil sa pagdaloy ng tubig.

Samantala nagpakawala rin ng tubig ang mga dam sa Ipo, Binga at Magat na iniabiso sa lokal na pamahalaan para mabigyang babala ang mga residente sa pagtaas ng tubig.

 

Show comments