NKTI, PCSO aayuda sa gastos sa liver transplant

MANILA, Philippines - Mababa na ang gagastusin ng isang pasyente na magpapa-liver transplant.

Ito’y makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Liver Center at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para ayudahan ang gastusin ng mga may sakit sa atay.

Ayon kay Dr. Jade Jamias, chairman ng NKTI, kung ang liver transplant sa ngayon ay may halagang P3 hanggang P4 milyon, ang isang pasyente ay gagastusan na lamang ngayon ng mula P1.5-P2.5 milyon para sa transplant.

Sa ilalim ng kasunduan, ang pasyente na sasailalim sa liver transplant ay tatanggap ng ayudang pinansiyal mula sa PCSO na siyang magbabayad ng gastos sa ospital, gamot, diagnostic procedures sa ilalim ng individual medical assistance program nito. 

Ang sakit sa atay ang isa sa may pinaka maraming bilang ng mga taong namamatay sa ngayon.

Para makakuha ng financial assistance, ang pasyente ay dapat na magbibigay ng orihinal na dokumento  sa PCSO para maiproseso ang ayuda para dito.

 

Show comments