MANILA, Philippines - Sinabi ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na dapat gawin ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa 2016 kung iba na ang pangulo ng bansa.
Ayon kay Brillantes, bagama’t posible, hindi umano practical na gawin ito ngayon bukod pa sa kawalan ng sapat na pondo.
Sinabi ni Brillantes na prescriptive lamang ang 90 days na nakasaad sa Konstitusyon kaya’t isang taon ang kailangan upang makapaghanda at maipatupad ang plebisto
“So, around February 2016, there should already be a plebiscite. But before that, they have to convert themselves (Congress) first,” ani Brillantes.
Malabo na rin umano ang constitutional convention dahil kailangan ang elections upang magkaroon ng miyembro na tatalakay sa amendments. Kailangan din na pag-usapan ang supplemental budget na kailangan ng mahabang panahon.
Matatandaang ibinasura ng Department of Budget and Management ang kanilang hiling na P7 billion budget para sa 2015.