^

Bansa

Tiangco, Gonzales muntik magkasakitan

Butch Quejada/Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muntik magkasakitan sina House Majority leader Neptali Gonzales at Navotas Rep. Toby Tiangco sa budget deliberation ng Kamara kamakalawa ng gabi.

Nag-ugat ang hidwaan ng dalawa matapos magmosyon si Tiangco na mag-adjourn ng sesyon bandang alas-8 ng gabi dahil hindi nakapagsumite ng listahan ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga proyekto na pinondohan ng Disbursement Acce­leration Program (DAP) at mga pangalan ng mga kongresista na may proyekto nito.

Dahil dito kaya kaagad sinuspinde ni Presiding Officer Carlos Padilla ang sesyon upang mapag-usapan muna ito ng mga kongresista.

Habang si Tiangco naman ay ipinapaliwanag ang sitwasyon kay Justice Secretary Leila de Lima dahil ang ahensiya nito ang nakasalang sa deli­berasyon.

Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay lumipat ang kongresista sa kabilang bahagi ng session hall habang si Gonzales ay nilapitan si de Lima kasama ang isa pang kongresista at nagyaya nang umuwi.

Bigla na lamang nilapitan ni Tiangco si Gonzales pero inawat ang dalawa ni Quezon City Rep. Jorge Banal.

Nang tanungin si Gonzales sa nangyari sinabi nito na siya ang itinutulak ni Tiangco subalit hindi na siya pumatol dito.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCE

GONZALES

HOUSE MAJORITY

JORGE BANAL

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAVOTAS REP

NEPTALI GONZALES

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with