^

Bansa

Mandatory PhilHealth insurance sa senior citizens aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aprub na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nag­lalayong maging mandatory ang health insurance ng mga senior citizens sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Makikinabang sa nasabing panukala na nakapaloob sa Senate Bill 712 ang lahat ng senior citizens sa bansa na hindi pa lifetime members ng PhilHealth.

Sa ngayon ang mga mahihirap lamang na senior citizens ang nabi­bi­g­­yan ng pribilehiyo sa PhilHealth sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Paliwanag ni Sen. Ralph Recto, nagsusulong ng panukala, sa ngayon ay hindi malinaw o nagkakaroon ng “grey area” kung papaano ikokonsiderang mahirap ang isang senior citizen na hindi rin kayang maipa-enroll ang sarili sa PhilHealth.

Panahon na aniya para maging automatic ang enrollment ng mga senior citizens sa PhilHealth at hindi optional.

Sa sandaling magdiwang aniya ng ika-60 kaa­rawan ang isang mamamayan dapat ay awtomatiko rin itong magiging miyembro ng PhilHealth.

 

APRUB

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

MAKIKINABANG

PALIWANAG

PANAHON

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

RALPH RECTO

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with