MANILA, Philippines – Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang Oktubre 6 kaugnay ng pagdiriwang sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na alinsunod ito sa nilagdaang Presidential Decree No. 875 ni Pangulong Aquino.
Sa Eid’l ADha, ginugunita ang sakripisyo ni Abraham sa pag-alay ng kanyang anak sa Diyos. Hudyat din ang Eid’l Adha ng pagsisimula ng hajj o paglalakbay sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia.
Mangangahulugan ito na isang long weekend dahil ang October 6 ay pumatak sa araw ng Lunes.
Bukod dito, nilagdaan din ni PNoy ang executive order 172 kung saan ay idinedeklarang extension ng Port of Manila ang Port of Batangas at Subic Freeport.