MANILA, Philippines – Inisnab kahapon ni PNP Director General Alan Purisima ang pagdinig ng Senado kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng peace and order sa bansa.
Ayon kay Sen. Grace Poe Poe, head ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nais niyang marinig mismo kay Purisima kung ano ang plano nito sa kasalukuyang sitwasyon ng kriminalidad kung saan nasasangkot pa ang mga pulis.
Pinuna pa ni Poe na palagi na lamang ang spokesperson ni Purisima ang ipinapadala nito sa mga pagdinig.
Kung ang Pangulo aniya ng bansa ay nakakasagot sa mga isyung kinakaharap niya, walang dahilan para hindi ito gawin ni Purisima.
Dagdag ni Poe, hindi dapat maging “exempted” si Purisima sa pagpapaliwanag ng mga isyung may kinalaman sa kanyang trabaho.
Paliwanag pa ni Poe na ang trabaho ni Purisima ay hindi lamang para sa modernisasyon ng PNP pero dapat din itong maghatid ng mensahe sa publiko.
“So I’m suspending this hearing with much regret until such time where he will make himself available for this hearing. Suspended muna until pumunta dito si General Purisima para ieksplika yung tunay na estado ng peace and order sa ating bansa,” ani Poe.