115,000 mangingisda may libreng insurance coverage

MANILA, Philippines - May libreng insurance coverage ang may 115,000 mangingisda mula sa 42 lalawigan sa bansa para makatulong sa kanilang makabangon mula sa epekto ng kalamidad sa sektor ng pangisdaan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC), ang insurance coverage ay kapapalooban ng fishing boats, seaweeds at aquaculture implements at facilities para sa mga sinalanta ng kalamidad.

Pahayag ni BFAR head Asis Perez, magkatulong ang BFAR at mga lokal na pamahalaan para kilalanin ang mga mangingisda na benepisyaryo ng naturang proyekto.

Ang  PCI ay naglaan ng kabuuang P1.184 bilyon para isailalim sa insurance coverage ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Niliwanag naman ni Perez na bahagi lamang ito ng pakinabang sa gobyerno ng mga mangingisda sa ilalim ng national program for municipal fisherfolk registration (FishR).

 

Show comments