Pharmacists puwede nang magbakuna

MANILA, Philippines - Papayagan na ng Food and Drug Administration, Department of Health at Philippine Pharmacists Association na magsagawa ng pagbakuna ang mga community pharmacists.

Ayon kay FDA director general Dr. Kenneth Hartigan-Go, puwede ng magbakuna ang mga community pharmacists sa sandaling matapos ng mga ito ang kanilang training course na ibinigay ng FDA, DOH at PPA.

Ang training course ay isasagawa ng FDA kasama ang mga licensed immunizing pharmacist. Kabibilangan ito ng safe injection technique, cold chain management ng vaccines at iba pang biological pro­ducts, pharmacovigilance tulad ng recognition, pag-uulat sa epekto ng pagbakuna at management ng anaphylaxis sakaling magkaroon.

Paliwanag ni Go, ang vaccination sa mga matatanda ay pagbibigay ng proteksiyon  laban sa mga infectious diseases tulad ng influenza at maiwas na makahawa sa mga  sanggol, bata, buntis, matatanda at maging ang mga may kapansanan at may sakit.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa PhilHealth upang masakop ang bayad sa adult vaccination ng mga kuwalipikadong indibidwal.

 

Show comments