‘Luis’ lumakas

MANILA, Philippines - Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) at patuloy na lumalakas ang bagyong Luis kahapon ng madaling araw.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo may 660 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65kph at pabugsong 80kph. Kumikilos ito sa bilis na 26 kph pakanluran hilagang-kanluran.

Itinaas na ang signal number 1 sa lalawigan ng Catanduanes.

Pag-iibayuhin ni Luis ang habagat na magdudulot ng mahina hanggang sa bahagyang kalakasang pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Dahil malawak pa ang tatahaking karagatan, malaki pa ang tsansang lumakas ang bagyo kaya pinaghahanda ang ilang residente sa mga bayang maapektuhan nito.

Show comments