6-year term sa bgy. officials giit
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Teofisto Guingona ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong palawigin ang termino ng mga nakaupong opisyal ng barangay at gawin itong anim na taon.
Ayon kay Guingona, mahalaga ang panukala upang mas mapagbuti ang local stability at ma-maximize ang disaster management program ng gobyerno.
Mula sa kasalukuyang tatlong taong termino ng mga opisyal ng barangay, naniniwala si Guingona na dapat itong gawing anim na taon.
Kapag naging batas, ang panukala ay tatawaging “An Act Extending The Term of Barangay Officials to Six Years.”
Naniniwala rin si Guingona na makakatulong ang kanyang panukala upang maipagpatuloy ng mga nakaupong opisyal ng barangay ang mga nasimulan na nilang proyekto.
Mas mapapakinabangan din aniya ang mga naibigay na training programs sa mga opisyal ng barangay lalo na sa disaster risk reduction and management.
Sa ilalim ng panukala, hindi papayagan ang pagsisilbi ng isang opisyal ng barangay ng higit pa sa dalawang termino kapag naaprubahan ang “six-year term”.
- Latest