MANILA, Philippines - Para malutas ang inaasahang power crisis sa susunod na taon ay hihingi na si Pangulong Aquino ng emergency powers sa Kongreso.
Sinabi ng Pangulo sa pagdalo nito sa ground breaking ceremony ng Pagbilao III power plant na ginanap sa Makati City, hihilingin niya sa Kongreso na magpasa ng joint resolution na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang makapasok ang gobyerno sa contract additional generating capacity.
Naunang sinabi ni Energy Sec. Jericho Petilla na dapat humingi ng emergency powers ang Pangulo upang mabigyan ng solusyon ang inaasahang power crisis sa susunod na taon dahil sa inaasahang 300 megawatts kakulangan sa suplay.
Kapag binigyan ng Kongreso ng emergency power si PNoy ay i-invoke nito ang section 71 ng EPIRA Law.
“To be more efficient and impactful in our efforts, very soon, we will formally ask Congress for a joint resolution, that will authorize the national government to contract an additional generating capacity to address the 300-megawatt projected deficit, and, on top of that, to have sufficient regulating reserves equivalent to four percent of peak demand, for another 300 megawatts,” giit pa ni Pangulong Aquino.