^

Bansa

3 parak sa EDSA 'hulidap' nais sumuko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa-isa nang lumulutang ang mga suspek sa kidnapping sa EDSA-Mandaluyong nitong Setyembre 1.

Sinabi ni Quezon City Police District director Chief Superintendent Richard Albano na tatlong pulis na suspek ang nagpahiwatig ng kanilang pagsuko sa mga awtoridad.

Naunang sumuko si Senior Inspector Allan Emlano ng Caloocan City police kaninang umaga para aniya malinis ang kanyang pangalan.

Nasa kustodiya na naman ng mga awtoridad ang iba pang suspek na sina Chief Inspector Joseph De Vera at Police Officer 2 Jonathan Rodriguez.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping with serious illegal detention sa Mandaluyong City Prosecutors' Office.

Samantala, nanawagan pa si Albano sa iba pang suspek na sumuko na.

"Pagkakataon niyo na para lumutang na rin kayo para maibuo kung ano ang istorya kasi kung lulutang ka ng una eh di iba ang kwento mo hindi mo maka-countercheck," pahayag ni Albano.

Sa ngayon ay siyam na suspek pa rin ang pinaghahahanap ng mga awtoridad.

vuukle comment

ALBANO

CALOOCAN CITY

CHIEF INSPECTOR JOSEPH DE VERA

CHIEF SUPERINTENDENT RICHARD ALBANO

ISA

JONATHAN RODRIGUEZ

MANDALUYONG CITY PROSECUTORS

POLICE OFFICER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SENIOR INSPECTOR ALLAN EMLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with